Miyerkules, Marso 18, 2015

amg aking mga naging karanasan

   1.Mga karanasan ko sa isang buong taon bilang isang mag aaral sa Baitang Siyam...
            Sa natapos na namang taon ko sa pag aaral sa Baitang Siyam , marmai narin akong mga naging karansan.Nariyang marami akong pagkakamali sapagkat tao lang rin naman ako,paminsan-minsan nagkakamali,nariyan din ang mga kasiyahan na hindi mawawala lalo na kung malalpit kayo sa isat isa ng mga kamag aral mo.Sa dalawang hanay,nais kong unahin ang mga pagkakamali kong naranasan  na hindi kagandahan.Nariyang marami akong bagay na nakakalimutang ipasa sa aking  Guro sapagkatnaiwan ko ito sa aming bahay, mayroon ding napagalitan ako ng aming Guro sapakat ako ay nakikiusap sa aking kaklase ukol sa aming pangkatang gawain .Hindi ko naman masisisi ang aming Guro.Madalas naman akong tahimik sa klase sapagkat nahihiya   akong makibahagi.Sunod naman ay ang mga nakaktuwang pangyayari sa taon ko.Hinanap ako ng aming Guro sa ingles,noong una ay natakot ako sapagkat hindi ko alam kung bakit, pero nang makita na kao aysinabi niya na napakahusay ko raw na gumawa ng panimula sa isang pangungusap.Nakakatuwa sapagkat minsan lamang ako masabihan ng ganoon .Ito ang pinakamasayang nangyari sa taon ko.Iyan lamang ang ilan sa mga halimbawa ng aking mga naging karanasan sa taon kong ito.


2.Kabuuan ng aking mga naging karanasan kasama ang aking Guro sa asiganaturang Filipino...
                Noong una kong nakita ang aming Guro sa asiganaturang Filipino,natakot ako sapagkat mukhang masungit ito kaysa sa inaasahan ko.Nang magpakilala ang aming Guro kalmado ito at hindi makikitaan ng pagka-kaba.Nang tumagal ay natuklasan ko na mahusay sa pagtuturo ang aming Guro,bakit?, sapagkat nakita ko sa kaniya na determinado siyang maihatid sa aming lahat ang kanyang mga kaalaman at maibahagi ito sa amin, naobserbahan ko rin nahindi lang siya basta basta sapagkatinaalam niya talaga kung natututo kami sa kanyang mga pagtuturo.Kahit na mahirap ang iba naming pag sasanay , kailangang masagutan mo ito spagkat kung hindi ,ibig sabihin ay hindi ka nakinig.Ilan lang yan sa mga karansan ko kasama ang maing Guro.


3.Ano ang nararamdaman ko tungkol sa K-12 kurikulum?
                    Sapagkat kami ay nauna na mag aaral gamit ang kurikulum na K-12, marami akong naging mga karanasn dito,ang nararamdaman ko lang sa  K-12 kurikulum ay nasa dalawang kasagutan ,isang positibo at negatibo.Uunahin ko ang positibo,pagdating sa pag aaral nito,maipagmamalaki kong marami kaming natututunan hindi lamang sa mga pangunahing mga pag aaral kundi pati narin sa pangkabuhayan ,natuturuan kami na magkaroon ng kaalaman sa paggawa ng mga pag kakakitaan pagdting ng araw na kailangan namin ito,ngunit syempre mayroon rin akong negatibong opinyon dito,hinati kasi kami sa tatlong"shift" o oras ng pagpasok kaya madalas na hindi namin natatapos ng ilan naming mga aktibidad sa kalase sapagkat mayroon lang kaming apatnapung minuto bawat isang araw.

Lunes, Marso 16, 2015

maikling kwento


                                               pamagat:SAPAGKAT ITO ANG TAMA...
                                                ipinasa ni:LERRA JOYCE TEJERO
                                                ipinasa kay:GNG.MARVILYN MIXTO

Biyernes, Marso 13, 2015

ikaapat na markhan(marso 10-13)

                                   Ngayong linggo,tinalakay namin ang mga katangian ni Maria Clara bilang isang dalagang Pilipina at si Sisa bilang isang ulirang Ina.May ilang mga katanungan naman kaming sinagutan patungkol parin dito.Sa kabilang banda naman ay naatasan kami ng aming Guro na gumawa ng isang pangkatang gawainpara maipakita ang mga katangian ni Maria Clara sa pamamagitan ng ibat ibang uri ng presentasyon.Marami naman sa mga grupo ang gumawa ng dula-dulaan at gayundinay nag- ulat ang ibat ibang grupo patungkol sa kung anong naiatas sa kanilang gawain.Susunod naman naming tatalakayin ang mga kaganapan sa buhay ni Sisa.

Linggo, Marso 8, 2015

ikaapat na baitang (Marso 3-6)

                 Ngayong linggo,tinalakay na namin ang mga kabanata at mga tauhang may kaugnayan  kay Elias at amin itong isinagawa sa pamamagitan ng pangkatang gawain.Mabilis naman naming natapos ang mga talakayan namin tungkol dito at kahit mabilis ay naintindihan naman namin lahat ng ito.Sumunod naman naming tinalakay ang mga tauhan at kabanatang may kaugnayan kay Maria Clara at Sisa at kagaya ng kay Elias ay natapos rin namin ito ng mabilis.Kailangan daw kasi naming tapusin ang mga aralin upang makaabot kami para sa aming pagsusulit para sa ika apat na markahan.

Biyernes, Pebrero 27, 2015

ikaapat na markahan(enero24-27)

                    Ngayong linggo,ayon sa aking mga kamag aral ay tinapos raw nila ang mahahalagang pangyayari sa Noli Me Tangere.Lumiban kasi kami ng iba ko pang kamag aral sa kadahilanang kami ay isa sa mangangampanya para sa SSG o mga pagpipiliang estudyanteng lider ng paaralan kaya ngayong Biyernes lamang kami nakadalo sa diskusyon sa Filipino.Inatasan kami ng aming Guro na kumuha ng isang buong papel para sa aming maikling pagsususlit ngayong araw.Kailangang isulat namin ang mga bahagi o kabanatang may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra bilang tapat na mangingibig at bilang mangangarap.

Biyernes, Pebrero 20, 2015

ika apat na markahan (pebrero 17-20)

                   Ngayong linggong ito,tatlong beses lamang kaming nagkita kita sapagkat walang pasok ng Huwebes.Patuloy naming tinalakay ang mga tauhan ng NOLI ME TANGERE at dinagdagan namin ang pag kakaunawa namin sa kauganayan nito kay Crisostomo Ibarra.Tinalakay namin ang ibat iba pang katangian ni Crisostomo at nang matapos na ang lahat na mag ulat ay muling ibnuod ng aming guro ang mga kabanatang may kaugnayan kay Crisostomo