Sabado, Disyembre 13, 2014

pangatlong linggo(nob.18-21)

                          Pangalawang linggo na namin sa aming aralin tungkol sa uri ng paghahambing ,muli kaming nagbalik aral ng ilan naming mag pinagaralalang akda at mga panibagong aralin.Mas nilinaw  namin ngayong linggo ang aming mga aralin tungkol sa uri ng paghahambing noong  nakaraang linggo.Kinabukasan ay tumungo na kami sa panibagong aralin.Ito ay tungkol sa mga talinghaga at parabula na mga akda, isa sa binasa namin na akda ay tungkol sa bibliya kinuha sapagkat ang parabula at talinghaga ay uri ng kwento na may moral na aral sa huli.Binigay sa amin ng aming guro ang dapat na hanapin na parabula at ito ay tungkol sa mateo 20 1:16 na tumutukoy sa panginoon at ang mga tao dahil kung palalawakin ito ay tungkol talaga sa mga nakaraang kaganapan sa bansang israel.

ikatlong markahan ,pangalawang linggo(nob.11-14)

                   Nitong linggo lamang ,ang mga uri ng paghahambing ang aming pinag aralan.Natutunan ko ang mga uri ng paghahambing at kung paano ito gamitin ayon sa kinabibilangang uri nito.Mayroong dalawang uri ng paghahambing, ito ay ang magkatulad at di magkatulad.Ginagamit ang magkatulad na paghahambing kung pinghahambing ang dalawang patas na katangian , halimbawa ay maganda, maaring gamitin ang
sing,magkasing ,hawig at kung ano ano pa.Samantalang kung gagamitin naman ang di magkatulad na paghahambing ,kailangan ay mayroong isang nakakaangat at ang isa naman ang hinahambing.Halimbawa ang isa ay ihahambing mo sa mas nakakaangat sa kanya kailangan mong gumamit ng katulad ng di gasino ,mas ,higit,at kung ano pa.