Biyernes, Pebrero 27, 2015
ikaapat na markahan(enero24-27)
Ngayong linggo,ayon sa aking mga kamag aral ay tinapos raw nila ang mahahalagang pangyayari sa Noli Me Tangere.Lumiban kasi kami ng iba ko pang kamag aral sa kadahilanang kami ay isa sa mangangampanya para sa SSG o mga pagpipiliang estudyanteng lider ng paaralan kaya ngayong Biyernes lamang kami nakadalo sa diskusyon sa Filipino.Inatasan kami ng aming Guro na kumuha ng isang buong papel para sa aming maikling pagsususlit ngayong araw.Kailangang isulat namin ang mga bahagi o kabanatang may kaugnayan kay Crisostomo Ibarra bilang tapat na mangingibig at bilang mangangarap.
Biyernes, Pebrero 20, 2015
ika apat na markahan (pebrero 17-20)
Ngayong linggong ito,tatlong beses lamang kaming nagkita kita sapagkat walang pasok ng Huwebes.Patuloy naming tinalakay ang mga tauhan ng NOLI ME TANGERE at dinagdagan namin ang pag kakaunawa namin sa kauganayan nito kay Crisostomo Ibarra.Tinalakay namin ang ibat iba pang katangian ni Crisostomo at nang matapos na ang lahat na mag ulat ay muling ibnuod ng aming guro ang mga kabanatang may kaugnayan kay Crisostomo
Biyernes, Pebrero 6, 2015
ikaapat na markahan(enero 3-6 ikalimang linggo)0
Ngayong linggo,tinuloy namin ang pagtatalakay sa mga tauhan ng NOLI ME TANGERE at ang mga kaugnayan nito sa mga taong nakapaligid kay Rizal noong isinusulat niya ang kanyang nobela.Tinanong kami ng aming Guro kung sino ang nais naming kausapin kung pagbibigyan kaming pumasok sa nobela at kung bakit siya ang gusto mong kausapin.Karamihan sa mga napili ay si MARIA CLARA, CRISOSTOMO IBARRA at iba pa.Pinagawa kami ng aming Guro ng liham kung saanpipili kami ng aming kaibigan upang kahain ang kahanga hangang ugali nito na may kaugnayan o maihahalintulad samga tauhan ng nobela.Inatasan rin kami bawat grupo na mag ulat ng mga kabanata na may kaugayan kay Crisostomo Ibarra.Pinangunahan ng pangkat isa ang pag uulat.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)