Sabado, Oktubre 25, 2014

siya ang katabi ko

                                      John Paul A. Reneva
                 Si  John Paul Reneva ang katabi ko at palagi kaming magkasundo, SIYA ang tumatayong kuya namin sa loob ng silid - aralan ,at kabarkada na rin .Kuya sapagkat kapag wala kaming matakbuhan at makausap, andiyan lang siya para sa amin .Hindi katulad ng ibang mga lalaki , SIYA yung tipo ng tao na maiintindihan ka sa lahat ng oras .Kabarkada naman kasi hindi mo lang siya makakausap kundi makakasama mo rin siya sa lahat ng katatawanan.
                    Kuya PJ, kung amin siyang tawagin,sa KANIYA kami natuto ng ibat ibang bagay, at syempre lalaki siya kaya hindi mawawala ang kalokohan. hindi lang NIYA iniisip ang sarili kundi kaming lahat.Yan si kuya PJ ang aking katabi na kasundo namin sa lahat ng oras.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento