Ngayong linggo,ang kabuuan ng aming pinag aralan ay patungkol sa mga pangunahing tauhan ng noli me tangere.Umalis ang aming guro kaya iba ang pumalit na guro upang magturo para sa amin.Ang takdang arlin namin noong nakaraang linggoay tinalakay namin ngayon,pinag aralan rin namin ang tungkol sa pamantayang pangnilalaman at pamantayan sa pagganap.Tinalakay namin ang katangian ng mga tauhan pati narin ang mga taong sumisimbolo sa kanila sa buhay ni Rizal.Sinabi kasi ng aming guro na ang mga tauhan ni Rizal sa nobela ay binatay niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya noong panahon ng pananakop ng espanyol .Sinabi niya rin na si Crisostomo Ibarra ang sumisimbolo kay JOSE RIZAL, parehas kasi sila ng hangarin at karanasan batay sa nobela.Pagdating ng aming guro ay mas pinalawak pa namin ang aming talakayan patungkol dito.
Biyernes, Enero 30, 2015
Biyernes, Enero 23, 2015
Ikatlong markahan(pangalawang linggo,enero 20-23
Sapagkat sinabi ng aming guro na ang aming bagong tatalakayin ay patungkol sa NOLI ME TANGERE na isinulat ni DR. JOSE P. RIZAL , smin nang sinimulan ang aming aralin patungkol rito.Una tinalakay namin ang kaligirang pangkasaysayan ng noli me tangere , tinalakay namin ang ibat ibang dahilan kung bakit naisipang ilimbag ni Rizal ang nobela.Una ang pagbasak ng ESPANYA bilang kolonsador at pangyayaring naghimok sa kanya na gawin ang kanyang nobela.Sunod naming inaral ang mga pangyayaring naganap sa mga plipino noong nasa kamay sila ng mga PRAYLE, nagkaroon kami ng mga pangkatang gawain sa mga sumunod na araw, patungkol parin sa noli me tangere.Inatasan kami ng aming guro na kumuha ng kopya ng mga isinulat ni Rizal,magmula noong bata pa siya hanggang sa paglaki.Bawat pangkat naatasang magulat ng napuntang akda sa kanila.Ang mga akda ay:ANG GAMO GAMO AT SI RIZAL,SA AKING MGA KABABATA,ANG TSINELAS AT ANG BUOD NG NOLI ME TANGERE.
Biyernes, Enero 9, 2015
enero 6-9 2015
Ngayong linggo ay una naming pasukan sa taong 2015.Ipinakilala ng aming guro ang aming ika apat na aralin na tungkol sa Saudi Arabaia at Israelngunit bago ang lahat , muli kaming nagbalik aral tungkol sa kahulugan ng sanaysay, ito ay isang "isang salaysay ng isang sanay" ayun kay Alejandro Abadilla.Kasama rin ang tatlong elemento nito na ang paksa ,tono,at kaisipan.Naatasan kami na humanap ng isang dokumentaryo, ito ay may kinalamn sa aming aralin.Sa pangalawang araw, tinalaky namin ang stand ng dyaryo at ang pamaksang pangungusap.Naatasan naman kaming hanapin ang kahulugan ng synopsis,pangangatwiran at ng mga uri nito.SYNOPSIS ang tawag sa isang maikling buod ng mahahalagang bahaging isang akda at ang pangangatwiran ay nagbibigay-linaw sa isang isyu.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)