Ngayong linggo,ang kabuuan ng aming pinag aralan ay patungkol sa mga pangunahing tauhan ng noli me tangere.Umalis ang aming guro kaya iba ang pumalit na guro upang magturo para sa amin.Ang takdang arlin namin noong nakaraang linggoay tinalakay namin ngayon,pinag aralan rin namin ang tungkol sa pamantayang pangnilalaman at pamantayan sa pagganap.Tinalakay namin ang katangian ng mga tauhan pati narin ang mga taong sumisimbolo sa kanila sa buhay ni Rizal.Sinabi kasi ng aming guro na ang mga tauhan ni Rizal sa nobela ay binatay niya sa mga taong nakapaligid sa kaniya noong panahon ng pananakop ng espanyol .Sinabi niya rin na si Crisostomo Ibarra ang sumisimbolo kay JOSE RIZAL, parehas kasi sila ng hangarin at karanasan batay sa nobela.Pagdating ng aming guro ay mas pinalawak pa namin ang aming talakayan patungkol dito.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento