Miyerkules, Oktubre 1, 2014

para sa iyo po ito

                                  Buhay grade 8, "science na naman ","andyan na ba si sir","may on the spot jockpot ngayon""ssshhh!andyan na si sir",ilan lang yan sa mga kadalasang linya ng pangkat pangkat tipulo noong akoy nasa ika walong baitang pa lamang.Halos kada- umaga  na lang kaming ganyan,nakakatakot kasi talaga nung una eh,pero nung tumagal na ,dun na namin nalaman ang tunay na ugali niya.Siya si ginoong TIMBAL na guro namin samikawalong baitang.Sas lahat ng mga guro,sa kanya ko talaga naramdaman ang kahulugan  ng salitang "GURO".Siya ang pinakanagustuhan ko sa lahat.ngunit ano nga ba katangian na nakita ko sa kaniya?
                                   Tingin pa lang,halos gusto nang tumakbo ng iilan,ngunit kapag tumaas ang kaniyang dalawang kilay,hala! tumakbo ka na talaga.Maraming nagsasabi na isa siya sa mga pinakamasungit na guro at ang pinakanakakatakot.Ganito rin ang naramdaman ko nung una,bata pa kasi ako kaya madaling maniwala sa mga sabi sabi,kaya kapag nakikita ko siya noon ,natatakot rin ako.pero noong nakasama ko ng matagal ang gurong ito,dun ko nalaman ang totoo niyang katauhan.
                                   Si ginoongTIMBAL ay isang gurong masasabi mo na mahusay pagdating sa paghahatid ng mga payo na siguradong tatagos sa iyong puso.Siya yung tipo ng tao na maasahan mo sa lahat ng bagay sapagkat maghahanap talaga siya ng paraan matulungan ka lang.Masasabi kong iba siya sa lahat sapagkat di tulad ng ibang guro, ang problema mo,masasabi mo talaga sa kaniya at hindi lang yan,bibigyan ka pa niya ng payo.Yan lang ang iilan sa mgaugali ni ginoongTIMBAL na naging dahilan kung bakit ko siya lubos na nagustuhan at  alam ko na hindi lang akoang nakadiskubre ng lahat ng ito kundi marami pana ginagawa siyang inspirasyon tulad ko.GINOONG TIMBAL NAIS KO PONG BUMATI SA IYO NG"HAPPY TEACHERS DAY".mahal po namin kayo at himdi namin kayo makakalimutan.

1 komento: